Interview The Kanto and Novice teams
Images Metrobank MADE, with Vince Macatangay
Vince Martin Macatangay’s usual mode of artistic practice is governed by commercial pressure, one that rewards a clear, predictable subject and style that is sure to sell. For Sonder: Sa Bawat Mundong ‘Di Ko Matahak, his MADE 2026 Grand Award-winning piece, he set that pressure aside to chase a feeling.
Sonder is recognizing that every stranger who passes you by is living a life as detailed and complicated as your own, one you’ll never fully see. Macatangay could have rendered every face and hand in the painting with the same precision, but chose to leave some passages deliberately unresolved instead, a decision meant to mirror how much of another person’s world stays out of view no matter how closely we look. Honeycomb patterns and half-formed shapes drift at the edges of the canvas, warping the sense of space; friends who first saw the piece described feeling visually pulled into the painting.
This year’s theme, “Traverse: Creativity in Motion,” frames the conversation that follows: Macatangay on the moment he chose to leave his usual working method behind, and what changed once he did.


Hi, Vince! Congratulations on your MADE win! Before we get into the piece itself, most artists point to a moment or a person that first pulled them toward the arts. Who or what was yours?
Vince Macatangay, MADE 2026 Grand Awardee for Oil and Acrylic on Canvas: Yung mother ko ang tumulong sakin na mas makilala ang arts kasi nagsimula po ako na mahilig mangalikot, magbukas, manira ng mga gamit, mag drawing kung saan-saan, like sa mga paso, dingding, at kung saan mang parte sa bahay, tapos siguro nakitaan po ako ng potential and di ako pinigilan na mailabas ang creativity ko sa kahit saang bagay. At the age of three e talagang tinututukan niya na po ako kung paano gumuhit ng mga objects na I think ginawa niya yun para malabas yung competitiveness ko na kaya ko rin yung ginagawa niya through lessons and simple patterns.
Every artist carries around more ideas than they can make room for. Something about your work won out over the rest at MADE. What was your big idea for your winning work? Did anything else almost take its place?
Vince Macatangay: Yung big idea ko para sa work na ito e yung ‘sonder’, yung realization na bawat taong nakikita natin ay may sarili ring mundo, kwento, struggles, at buhay na hindi natin kailanman lubos na malalaman. Gusto ko ma-capture yung feeling nung realization kung san malalaman natin kung gaano kaliit yung perspective natin kumpara sa countless lives na nangyayari sa paligid natin.
Actually, may iba din akong concepts na pinag-isipan bago ako mag-settle sa pyesa ko. May mga ideas din ako na mas straightforward at mas madali i-execute, pero parang may kulang. Eventually, naramdaman ko na mas personal sa akin yung concept ng sonder because it allowed me to explore not just the subject itself, but also my own curiosity about people and the worlds that exist beyond what I can see. Tapos napaisip din ako kung oil or acrylic ang mas maganda gamitin kasi kung oil baka kulangin ako sa oras since yung acrylic e mas master ko sa paglelayer, pero nag-oil narin ako sa huli kasi feel ko na mas magiging emotional hagod ko, and it’s about wanting to understand these worlds even though I know I can never fully enter or experience them.


There’s usually a piece of the finished work only the artist knows about, like a material swapped in last minute or perhaps, a detail handled a certain way for reasons known only to you. What’s that detail in this piece?
Vince Macatangay: Yung detail na siguro ako lang talaga ang nakakaalam ng full reason behind is yung way na hinandle ko yung layering and details sa painting. May mga parts na intentionally hindi ko pinilit gawing perfectly defined, kahit kaya ko naman siyang i-render nang mas detailed. Gusto ko kasi may sense na may mga bagay na visible sa atin pero hindi natin talaga kayang lubos na maunawaan.
For me, connected siya sa idea ng sonder. Yung pagiging detailed sa ibang areas while leaving certain parts less certain represents how we can see fragments of another person’s world, pero hindi natin kailanman makikita yung buong picture. So kahit subtle lang siya visually, intentional talaga yung decision na yun.
Where or what aspect of your piece would you want someone to slow down, and what would they find at the end of the wait?
Vince Macatangay: Siguro yung part na gusto kong paglaanan ng mas maraming oras ng viewer ay yung mga mukha, expressions, at maliliit na detalye sa painting. Sa unang tingin, baka makita lang nila yung mga taong nasa loob ng obra, pero habang mas matagal nila itong tinitingnan, sana maisip nila na bawat isa sa kanila ay may sariling kwento at mundong hindi natin nakikita.
Doon ko gustong unti-unting lumabas yung meaning ng sonder. Na bawat taong nakakasalamuha natin ay may buhay na kasing lalim at kasing kumplikado ng sarili nating buhay. At sa dulo, sana maiwan sa viewer yung realization na ang daming mundong umiiral sa paligid natin na hindi natin kailanman lubusang matatahak o mauunawaan.
At the same time, gusto ko din ma-appreciate nila yung technical side na talagang sa tingin ko pinilit ko mag-all out, kahit ma-appreciate nila na pinaglaanan ko ng oras ang kada hagod, layering, yung best color na sa tingin ko, at control. Gusto ko makapag-release ng fine art na sa tingin ko minsanan nalang mag-exist kasi for production or pang benta nalang ginagawa ng iba for survival kaya nasasacrifice yung technical side. So parang part pa rin sa kwento ng ‘sonder’, yun yung maliit na kwento na di nakikita o naririnig agad sa isang artist.


Craft has its difficulties that cost the most sweat but draw the least attention. What gave you the hardest time technically in bringing this piece to life?
Vince Macatangay: Siguro yung pinakamahirap technically para sa akin e yung pagbuo ng layers, motion, at overall sense of space. Gusto ko kasing may mga parts na intentionally blurred para ma-direct yung mata ng viewer sa main subject, pero at the same time, natural pa rin yung dating kahit may mga creative techniques akong ginawa, like yung pag warp ng space.
Nagtagal din ako sa mga subtle details and effects, lalo na dun sa mga nasa pinakadulo ng composition. May mga elements tulad ng honeycomb patterns at mga forms na parang gumagalaw sa time and space. Hindi naman necessarily mapapansin ng viewer yung mga yun agad, pero gusto ko na somehow, maramdaman nila yung presence ng mga details kahit hindi nila consciously ma-identify.
Isa din sa pinaka challenging sa pagbibigay buhay sa work is yung sense of motion. Kailangan magmukhang natural yung movement, na parang hindi lang distorted yung space, kundi parang hinihigop ka talaga ng time and space habang tinitingnan mo yung painting. Kahit maraming technical decisions na nangyayari behind the scenes, gusto ko sa final work, maramdaman lang siya ng audience as part of the overall experience.
Stepping back from this piece and looking at your practice as a whole, where does it sit against everything else you’ve made? Is it treading familiar ground, or is this a work that pushed you further out than you usually go?
Vince Macatangay: Para sa akin, yung Sonder: Sa Bawat Mundong ‘Di Ko Matahak ay familiar pa rin sa practice ko in terms of realism and storytelling, pero mas nag push siya sa akin beyond what I usually do, ng sobra-sobra. Usually, mas nakafocus ako sa subject, details, and the message itself, tapos napipigilan ako magcreate ng works na may maayos na philosophy and narrative para sa commercial paintings, para makasurvive bilang artist. Dito naman sa work na ito, mas naging experimental ako sa space, motion, distortion, at kung paano ko igagabay yung experience ng viewer habang tinitingnan nila yung painting.
Parang hindi ko lang tinanong yung sarili ko kung “Ano yung gusto kong ipakita?”, pero pati “Ano yung gusto kong maramdaman nila habang tinitingnan nila?” Kaya masasabi kong connected pa rin siya sa ginagawa ko as an artist, pero it also opened a new direction for me. It pushed me to use realism not just to represent reality, but to bend it and make the viewer feel something beyond what is physically there.
Gusto ko din i-add na parang ito yung dahilan na nafeel ko din, kahit minsan, na possible pala gumawa ng bagay na gusto mo, so thankful ako. I think magiging start tong pyesa para sa pag discover ng capability ko.


Creating Sonder
What has someone told you about what they saw in the piece that surprised you?
Vince Macatangay: May mga nagsabi na habang tinitingnan nila yung piece, like mga tropa ko, e sabi parang may feeling na hinahatak sila papasok sa painting or parang hinihigop daw, tas tuwang-tuwa, like nabibilib, hahaha, na para bang bawat element may sariling mundo at direction. Interesting siya para sa akin kasi yun talaga yung gusto kong mangyari sa work, pero iba pa rin kapag nanggaling mismo sa viewer. Hindi ko naman sinasabi sa kanila exactly kung ano yung dapat nilang makita, so nakakatuwa na may mga interpretation silang nabubuo kahit di ko pa ikwento agad.
Doon ko rin na-realize na once the artwork leaves your hands, hindi na lang siya tungkol sa kung ano yung intention ng artist. Nagkakaroon na rin siya ng sariling buhay depende sa taong tumitingin.
Of all the platforms and spaces open to a Filipino artist today, you brought this piece to Metrobank MADE under this year’s theme, “Traverse: Creativity in Motion.” What made the competition the right home for it?
Vince Macatangay: Para sa akin, MADE yung naging tamang lugar para sa pyesa na ito dahil ito e tungkol sa paggalaw, perspective, at sa iba’t ibang mundong umiiral sa labas ng sarili nating mundo. Kaya nung nakita ko yung theme na “Traverse: Creativity in Motion,” parang natural na nag-connect siya sa direction ng work. Yung distortion ng space, movement, at yung feeling na parang hinihigop ka papasok sa painting ay parte lahat ng gusto kong maramdaman ng viewer.
Sa puntong ito rin ng practice ko bilang artist, gusto kong gumawa ng work na mas experimental kaysa sa mga nauna kong ginawa. Feeling ko kailangan kong lumabas nang kaunti sa nakasanayan ko at tingnan kung hanggang saan ko kayang dalhin yung realism ko gamit ang ibang approach.
Kaya para sa akin, tamang timing yung MADE para sa piece na ito. Hindi lang dahil malaking platform siya para sa isang Filipino artist, pero dahil parang kinakatawan ng sonder kung nasaan ako ngayon bilang artist: patuloy na gumagalaw, nag-e-explore, at naghahanap ng bagong paraan para may maramdaman ang viewer, hindi lang may makita.
Sonder in progress
Metrobank MADE has been part of the Philippine art and design recognition landscape for forty-two years. In your own words, what does the program represent to you as an institution?
Vince Macatangay: Para sa akin, ang MADE ay isa sa mga pinaka-respected at prestigious na art competitions sa Pilipinas. Bago ako sumali, aware naman ako sa pangalan ng MADE at sa bigat ng recognition na dala nito, pero hindi ko masasabi na sobrang pamilyar ako sa buong history at kung gaano na ito katagal naging bahagi ng Philippine art scene.
Mas naging meaningful siya sa akin nung naging parte na ako mismo ng competition. Doon ko mas na-appreciate na hindi lang pala siya tungkol sa pag compete, pero tungkol din sa pag expose ng iba’t ibang perspectives, styles, at ideas ng Filipino artists.
Kaya ngayon, mas nakikita ko ang MADE bilang isang institution na nagbibigay ng legitimacy, opportunity, at platform para sa mga artist na gustong mas mapalawak yung practice nila. For me, malaking bagay na maging parte ng isang program na ganito ang reputation, lalo na bilang artist na patuloy pa ring naghahanap kung hanggang saan ko pa kayang dalhin yung sarili kong practice.


This piece is now part of MADE’s history, and by extension, Philippine art’s. What do you hope it contributes to that bigger picture?
Vince Macatangay: Para sa akin, gusto kong maging contribution ng Sonder sa mas malaking picture ng Philippine art yung pagpapakita na puwedeng gamitin ang realism para mag-explore ng mga ideas na hindi naman literal na nakikita.
Hindi ko naman siya tinitingnan na kailangan niyang maging representative ng buong Philippine art scene. Mas gusto ko na maging isang maliit na bahagi siya ng patuloy na pag-evolve ng contemporary Filipino art, lalo na sa paraan ng paggamit ng traditional painting techniques kasama ng mas experimental na treatment ng space, motion, at perspective. O kung hindi man e maging break ito para ma-consider nila yung mastery ng technical side habang hinahanap yung sweet spot para mag-work kahit di sinasacrifice ang creativity.
Sana rin, kapag nakita siya ng ibang artists, lalo na yung mga nagsisimula pa lang e ma-realize nila na okay lang mag-experiment at lumabas sa nakasanayan nila, kahit manggaling pa sila sa isang very traditional na medium tulad ng painting. Para sa akin, yun yung gusto kong maiwan ng Sonder, isang work na hindi lang tungkol sa kung ano yung nakikita, kundi tungkol din sa kung ano yung maaaring maramdaman at isipin ng viewer habang tinitingnan ito. •


Our MADE 2026 coverage is in synergy with Novice





