Imagemakers

Danielle Austria and photographer Jaypee Fadrilan visit the stalwart photographers of Luneta and discover unflinching faith and pride in their trade

Interview Danielle Austria
Images Jaypee Fadrilan

Gaspar comes to the defense of his craft. “Sa photographer, walang imposible. Walang litrato na overpriced.” Header: Larry Legario, Romeo Ibañez, and Gaspar Tañada share decades in experience and memories made at Luneta Park.

Perhaps as iconic as the monument of Rizal (well, at least in the writer’s eyes) are the men and women who have snapped memories through the changes. Visitors may come and go, and the way we do photography may keep changing, but the photographers of Luneta are here to stay. We spoke to Larry Legario (LL), Gaspar Tañada (GT) and Romeo Ibañez (RI)—veteran photographers and officials of the Samahan ng Malayang Photographers sa Luneta—about the passage of time, life at the park and having pride on one’s profession.

Kailan po kayo nagsimulang kumuha ng litrato dito sa Luneta?

LL: Since 1980 o 1990, mga 30 years na ako dito. ‘Di pa pinapanganak ang anak ko, nandito na ako. Dito ko na ‘rin nakita ang asawa ko. Photographer din siya. Sa kaniya ako nakakuha ng experience.

GT: Mga ilang dekada na kami dito. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin.

RI: ‘Yang fountain na ‘yan, talahib pa dati ‘yan. Hindi pa ganyan ang itsura ng monumento ni Rizal. Maliliit pa ang tiles. Nakita na namin ang lahat ng pagbabago rito. Ito [photography] na ang naging hanapbuhay namin. Ayos naman, nakaka-survive.

Parang buong buhay ninyo na ‘yung dumaan dito.

GT: Dito na nagka-asawa, nagka-apo. Hanggang sa iwanan na ng asawa.

Bakit nandito pa ‘rin kayo?

GT: Wala naman akong ibang alam na trabaho. Maraming puwede pasukan, kaya lang kinarir ko na ang photography. Dito, nalilibang ka na, kumikita ka pa. Kung sino-sino pa ang nakikilala mo na galing sa kung saan-saang bansa.

Marami pa ‘rin ang nagpapakuha sa inyo?

LL: Mga balikbayan ang madalas.

RI: Mga bumibisita na gusto ng magandang picture. Kasi kahit anong ganda ng camera mo, hindi mo mapapalabas na maganda ‘yan [kung hindi ka marunong]. Kami, alam namin ang tamang anggulo, shadow, ilaw.

GT: Mayroon pa ‘rin. ‘Yung ibang tao iniisip na wala na kaming kinikita rito. Pero kung ang tao may common sense, bakit sila magsasabi ng “buti kumikita pa kayo riyan, marami nang may cellphone [na may camera]”? Kung may isip ka, magsasalita ka ba nang ganiyan? Kung ang ipinambili namin nito [camera], ibinili na lang sana namin ng pagkain. Tignan mo nga ang mga katawan namin kung mukhang nagugutom kami. Magtitiyaga ba kami bumili ng libo-libong halaga ng camera kung hindi kami kumikita rito?

Another day, another portrait shoot

Tama naman, kuya.

GT: Ang ibang tao kasi ang baba ng tingin sa photographer! Hindi ba nila alam na ang isang litrato, puwede mo bayaran ng milyon! Sa isang photographer, walang imposible. Minsan ang customer kapag bebentahan mo ng isang litrato ang sasabihin ay “ang mahal naman niyan”! Ma’am, sir, kahit saan tayo makarating, walang overpriced na litrato. Ang importante, hindi ko kayo pinilit [na magpakuha]. Aaminin ko sa inyo, ma’am, ako wala akong diploma.

Pero mayroon naman kayong kayang gawin. Isang skill na ‘di lahat ng tao meron. Hindi lahat kayang maging magaling na photographer.

GT: Kahit ‘di ka nakatapos ng pag-aaral, ang mahalaga marunong ka magsulat at magbasa. Kung matalino ka pero kapos ka sa kapalaran, anong magagawa mo? Ngayon lang ‘yan na puwede ka na mag-aral ng libre. Ang maganda ‘yung may talino ka na kaya mong gamitin sa kalawakan at may tamang pag-uugali ka. Kahit nasa kalsada ka, ang ugali mo hindi pang-kanto. Kapag ang kaharap mo alam mo na edukado, edukado ka ‘rin kaharap. Ang hirap kasi sa [tingin ng tao sa] estado namin, ‘pag may aalukin ka ng “pa-litrato kayo, ma’am, sir”— ang ganda ng bati mo pero ang sagot sa’yo: “May cellphone kami!” Ang sagot lang po ay ‘oo’ at ‘hindi’!

Hindi kailangan magtaray. Mas mataas man ang pinag-aralan ng iba, mas malawak ang pang-unawa namin sa kanila.

Kumukuha pa po kayo gamit ang film?

LL: Wala na! Mabilis na kasi ang digital. Dati sa film, aabutin pa ang customer ng dalawang oras [sa paghihintay ma-develop]. Nag-iipon kami sa studio namin; minsan umaabot ng apat na oras. Kami ang nagpuputol ng film. Ngayon, may printer na. Mabilis na.

Anong oras kayo dumarating at nagtatagal dito sa Rizal Park?

LL: Depende. Wala kaming oras. Kung gusto namin umaga o hapon. Minsan umuuwi na kami ng maaga, alas-sais. May iba, inaabot ng alas-dose ng gabi.

Sa labas ng Luneta, saan pa kayo kumukuha?

LL: Dati, malakas kami sa mga kasal. Ngayon, mahirap. Ang uso ngayon ‘yung mga video. Magaganda na rin ang mga cellphone.

GT: Kumukuha ‘rin kami sa mga events. Part ako ng mga iba’t ibang grupo ng photographers. Miyembro ‘rin ako ng Litratista ng Bulacan. Hunter ako. Gusto ko paspas sa trabaho.

Ilan kayo sa grupo ninyo?

GT: Kami ang pinakamarami. Umabot kami ng 72.

LL: Lahat ng naka-orange [na t-shirt] kasama namin. May uniform kami. ‘Pag hindi ka nagsuot ng uniform, may multa.

Sino humuhuli sa inyo?

LL: Kami ‘rin na mga opisyal. Nililista mga pangalan tapos ‘pag bigayan na ng biyaya, kakaltasan.

‘Yung mga nakasuot ng ibang kulay na damit, ano sila? Kasama niyo ba sila?

RI: Ibang faction pero kami [SMPL] talaga ang official na photographers dito sa Luneta. •

This story first appeared on Kanto No. 3, 2018.

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *