Interview The Kanto and Novice teams
Images Metrobank MADE, with Richard Montero
Before he took up the trade, Richard Montero grew up watching his older siblings draw. Illustration boards spread across the floor of a house shared by eight children, his brothers and sisters filling them with landscapes, anime, and hand-lettering. His father, a bus conductor between jobs, took up sideline lettering work, penning certificates and labels for the ginger tea he sold.
This artistic inheritance runs through Puno ng Kuwento (Tree of Stories), his MADE 2026 special citation-winning mixed media piece. Drawing from his family’s line of traditional healers, Montero built the work around the beliefs, rituals, medicinal plants, and stories passed down through generations. Roots stand in for origin and memory, branches for the stories still being told. Paper, wood, paint, and drawing layer into a grid built and painted square by square, fading toward the center so smaller details surface only on a closer look.
What follows is a conversation about the years-long road that led Montero back to art, the decisions behind the piece’s finished surface, and what it means to bring a story about roots to a platform with roots of its own, held against the backdrop of this year’s theme, “Traverse: Creativity in Motion.”


Hi, Richard! Congratulations on your MADE win! Before we get into the piece itself, most artists point to a moment or a person that first pulled them toward the arts. Who or what was yours?
Richard Montero, MADE 2026 Special Citation for Mixed Media: Hindi ko naisip nung bata ako na magiging artist ako sa hinaharap. Maraming pangyayari o punto sa buhay ko ang tingin ko’y naging tulay para mapunta ako sa art at mga taong naging instrumental para makarating ako sa kasalukuyan kong karera bilang artist. Sa aking alaala, una kong na-encounter ang art sa mga kuya at ate kong mahilig din magdrawing noon. Sila yung mga unang taong nakita kong nagdra-drawing. Nakalatag sa sahig namin sa sala ang mga illustration board, bond paper, folder, krayola, pentel pen, lapis, at pambura.
May gumuguhit ng mga tanawin, palayan, at bahay kubo. Ang isa naman mga anime at portraits, habang ang isa ay nag-le-lettering sa folder. Sila ang gumagawa dati ng mga projects ko sa school dahil hindi pa ako marunong gumuhit. Walo kaming magkakapatid at ako ang bunso sa amin. Manghang mangha ako kapag nakikita ko silang gumuguhit at kapag nilalapatan na nila ng kulay ang drawing. Pakiramdam ko bidang bida ako sa klase kapag may magandang drawing sa kartolina na ipapasa ko sa teacher.
Nag-umpisa akong gumuhit at matuto nung naging busy na sila sa school at nagkatrabaho na. Ang Papa ko naman nung nawalan siya ng trabaho bilang konduktor ng bus ay nagkaroon ng ibat-ibang sidelines at isa dito ang mag-lettering ng mga certificates. Naalala ko ring gumawa sya ng sarili niyang label sa garapon ng tinitinda niyang salabat. Bagamat hindi pa ako aware noon, sa pamilya ko una kong nakita ang linya at kulay.
Nung mag highschool ako, may isang organization sa Antipolo ang bumuo ng mga kabataang marunong gumuhit, umawit at magsulat ng malikhain. Sumali ako at nag audition sa pagguhit. Nang makapasa ako tinuruan kami ng mga mentor namin ng basic steps sa pagguhit tuwing weekend. Unang pagkakataon din na maisama kami sa mga art exhibits nila. Ipinasok nila kami sa art workshop ni Mr. Fernando Sena. Natuto ako sa ibat ibang mediums kagaya ng charcoal, pastels, watercolor, acrylic, at oil. Dito na rin ako nag-umpisang sumali at manalo sa mga poster making contest sa school namin.
Pagkatapos nito sumubok akong mag-take ng talent determination test sa UP, College of Fine Arts. Nakapasa ako at nakapag aral dito taong 2005 at nagtapos ako sa taong 2009 bilang cum laude. After school hindi agad ako nakapag tuloy sa art dahil mahirap pa noon ang sitwasyon namin sa buhay at mahirap din talagang makapasok sa art scene lalo kung baguhan ka at wala kang alam sa kalakaran dito. Kailangan ko na rin tumulong sa gastusin sa bahay. Naging face painter ako at party decorator sa mga kids party. Nagtrabaho ako sa stage production design, rumaket bilang muralist sa mga hotel at restaurants. Nagkaroon ako ng mga paisa-isang group exhibit pero hindi naging consistent at hindi pa ako pamilyar sa eksena. Nakaranas din ng mga rejections at failures sa art.
Hanggang mai-recommend ng kaibigan at kaklase sa mga respected artists na nangangailangan ng artist assistant. Dito ako nagtagal magtrabaho at natuto sa mga proseso, materials, techniques at pagbuo ng konsepto at komposisiyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makabeyahe at maisama sa labas ng bansa at makita ang mundo sa ibang anggulo at pananaw. Nakarating ako sa Jakarta, Indonesia, sa Singapore, Taipei, Bangkok at Venice, Italy. Habang nagtratrabaho at na-e-expose sa mga kaganapan sa art na-realize kong gusto kong magtuloy ulit. Na-introduce ako unti-unti sa mga gallery at mga artists. Hanggang sa nakasali na rin sa mga exhibits, na-invite sa art residency at nagkaroon ng solo show. Dito na nagtuloy-tuloy ang aking journey sa art. Kaya maraming salamat sa mga taong naging instrumento at tumulong sa akin para makabalik at makapagpatuloy.


Every artist carries around more ideas than they can make room for. Something about your work won out over the rest at MADE. What was your big idea for your winning work? Did anything else almost take its place?
Richard Montero: Ang pangunahing ideya ko para sa Puno ng Kuwento ay ang pagtingin sa alaala at mga kuwentong minana natin bilang mga ugat ng ating pagkakakilanlan. Nanggagaling ito sa sarili kong karanasan bilang bahagi ng pamilyang may linya ng katutubong panggagamot. Mula pagkabata, lumaki ako na nakaririnig ng mga kuwento tungkol sa mga paniniwala, ritwal, halamang-gamot, at mga hiwagang naipasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Sa artwork na ito, nais kong bigyang-halaga ang mga kuwentong ito na maaaring ituring ng iba bilang personal lamang, lumang paniniwala, o kuwentong-bayan. Para sa akin, bahagi sila ng isang pamana at ng kasaysayang nabubuhay sa loob ng mga pamilya at komunidad.
Ang puno ang nagsisilbing talinghaga ng ganitong pamana. Ang mga ugat ay kumakatawan sa aking pinagmulan at mga alaalang humubog sa akin, habang ang mga sanga ay kumakatawan sa mga kuwentong patuloy na lumalago at naipapasa sa iba. Sa pamamagitan nito, nais kong ipakita kung paano ang isang personal na kuwento ay maaaring maging bahagi ng mas malawak na kuwento ng ating kultura at kasaysayan.
Para sa akin, ang Puno ng Kuwento ay isang paraan din ng pag-alala, upang hindi tuluyang mawala ang mga kuwentong minsang narinig lamang natin mula sa ating mga nakatatanda, ngunit maaaring mahalagang bahagi pala ng kung sino tayo bilang isang bayan.
There’s usually a piece of the finished work only the artist knows about, like a material swapped in last minute or perhaps, a detail handled a certain way for reasons known only to you. What’s that detail in this piece?
Richard Montero: Karaniwan sa artworks ko ay madetalye. Madalas hindi nakikita sa kuha ng litrato at kailangang makita nang malapitan. Sa tingin ko, ang isang bagay o detalye sa paggawa ng artwork na ito na ako lang ang nakakaalam ay yung desicion making at problem solving. Madalas ang audience finish product na ang nakikita. Pero yung proseso at pinagdaanan ng artist sa pagbuo ng artwork, kung paano niresolba yung mga problema sa komposisiyon, kung paano bubuuhin yung idea or concept ng work, at pagdedecide kung anong kulay, anong approach, anong pahid? Makapal ba, manipis, matubig? Kung ano ang ilalagay na imahe, saan dapat ang focus ng mata kapag tinignan ang work? Artist lang talaga ang makakaalam nun at minsan mahirap itong ipaliwanag kasi minsan hindi ito napapractice i-verbalize dahil pakiramdaman ito sa pagitan ng artist at ng artwork.
Details of Puno ng Kuwento
Where or what aspect of your piece would you want someone to slow down, and what would they find at the end of the wait?
Richard Montero: Nais kong pagtuunan ng mas matagal na pansin ng tumitingin ang mga maliliit na detalye at iba’t ibang materyales na bumubuo sa Puno ng Kuwento. Sa unang tingin, maaaring isang puno lamang ang makita, ngunit habang mas matagal itong tinitingnan, unti-unting lumilitaw ang mga simbolo, bagay, at bakas ng nakaraan na nakapaloob dito.
Nais kong magsimula ang viewer sa isang maliit at personal na kuwento, isang alaala, isang bagay, o isang karanasang maaaring pamilyar sa kanila, at unti-unti itong maiugnay sa mas malaking kuwento ng pamilya, komunidad, kultura, at kasaysayan. Para sa akin, ang mga personal na alaala ay hindi hiwalay sa kasaysayan; ang mga ito ay tila mga maliliit na hiblang hinahabi at nabubuo sa mas malaking larawan ng ating nakaraan.
Higit sa lahat, nais kong magkaroon sila ng realization na ang pag-alala ay isang paraan ng pagpapanatili ng kasaysayan. Na ang mga bagay na tila maliit, personal, o ordinaryo ay maaaring magkaroon ng mas malawak na kahulugan kapag tiningnan bilang bahagi ng ating kolektibong kuwento. Ang patuloy na pagkukwento sa mga bagay na unti-unti nang nakakalimutan, kagaya ng mga lumang kasabihan, mga elemento ng hiwaga, ay isa ring paraan ng pagpreserba upang manatili silang buhay.
Craft has its difficulties that cost the most sweat but draw the least attention. What gave you the hardest time technically in bringing this piece to life?
Richard Montero: Maraming proseso ang dinaanan bago nabuo ang Puno ng Kwento. Para sa akin natagalan ako sa paglalagay ng lines o grid gamit ang paint kasi hindi siya iginuhit kundi ipininta. Nahirapan din ako sa part na ipinipinta yung mga kulay sa mga squares kasi kailangang isipin o isaalang-alang kung saan banda ipupuwesto ang mga kulay para sa pagdidikitan ng mga papel, kahoy at mga drawings. Dumaan sa layers ang pagpipinta hanggang maging faded yung mga squares sa bandang gitna para magkaroon ng focus sa central image at lumutang din yung iba pang mga elements.


Stepping back from this piece and looking at your practice as a whole, where does it sit against everything else you’ve made? Is it treading familiar ground, or is this a work that pushed you further out than you usually go?
Richard Montero: Bago pa man ako mapunta sa style o proseso ng work na isinali ko para sa MADE, ay na-introduce ko na sa audience ko ang iba’t ibang mukha ng aking mga obra. Nag-umpisa ako sa pagpipinta ng mga eskinita at mga street scenes sa aming lugar sa Antipolo kung saan ako lumaki at ang buhay komyuter ko nung ako’y nag-aaral at nagtrabaho. Ang pagtingin ko sa paligid ko o immediate surroundings ay parang paghahanap ng iba’t ibang materyal para sa art. Bawat eskinita ay naglalaman ng iba’t ibang mga bagay na nagsisiksikan, magkakakabit, magkakadikit, punong puno ng mga gamit na pinagkakasiya sa makikitid na daan. Parang mga kahon o lalagyan ng mga napupulot na bagay. Tila maliliit na kwarto o kaya ay mga drawer na taguan ng mga maliliit na gamit at alaala. Parang mixed media at assemblage.
Ang paghahambing na ito ang naging koneksyon sa pagtawid ko sa assemblage at mixed media. Mula sa reyalidad ay napunta sa alaala at paghalukay sa nakaraan. Ang mga pisikal na objects bilang tagapagdala ng mensahe at ang mga cabinets o drawers bilang tagapagtago at tagapag-ingat ng mga ito. Dito ay humukay sa nakaraan at pagtuklas sa pinagmulan. Sa artwork ko ngayon, masasabi kong naghuhukay ako sa alaala habang tinutuklas rin ang mga kasalukuyang materyal ng mixed media.
What has someone told you about what they saw in the piece that surprised you?
Richard Montero: Hindi naman ako nagugulat sa reaksyon ng mga taong tumitingin sa trabaho ko pero natutuwa rin ako kapag maganda ang kanilang sinasabi sa aking obra. Masarap ding makarinig ng kanilang interpretasyon o nararamdaman kapag tinitignan nila ang trabaho ko. May pakiramdam na nadadagdagan nila ng kuwento at mas nagiging malaya ang sinasabi ng trabaho. Madalas kasi kapag lubog ang artist sa paggawa at pagtatapos, ay may mga nakakaligtaan siyang maitanong o makita sa kanyang sariling artwork.
Madalas masabi na matiyaga raw ako dahil sa dami at intricate o masinsin na mga detalye. May isang writer din ang nagsabi naman na parang old soul daw ako. Parang matanda magsalita dahil sa tema ng mga trabaho ko. May nagsabi rin na interesante yung tema ko kasi kokonti lang ang tumatalakay sa ganitong paksa (kuwentong bayan, tradisyunal na panggagamot, lumang kasabihan, alaala). Na-cha-challenge lalo ako na pag-aralan pa at tuklasin kung ano pa yung maibabahagi ko sa larangan ng art.
Creating Puno ng Kuwento
Of all the platforms and spaces open to a Filipino artist today, you brought this piece to Metrobank MADE under this year’s theme, “Traverse: Creativity in Motion.” What made the competition the right home for it?
Richard Montero: Maraming platforms ngayon kung saan maaaring maipakita ng isang Filipino artist ang kanyang gawa, ngunit pinili kong dalhin ang Puno ng Kuwento sa MADE dahil naniniwala akong ang artwork na ito ay hindi lamang tungkol sa isang personal na kuwento. Isa itong paglalakbay ng mga alaala, pinagmulan, kultura, at mga kuwentong patuloy na gumagalaw mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan.
Para sa akin, napakahalaga ng tema nitong “Traverse: Creative in Motion” dahil ang isang kuwento ay hindi naman talaga nananatili sa isang panahon. Ito ay ipinapasa, binibigyang kahulugan muli, at nagbabago habang naglalakbay sa iba’t ibang henerasyon. Ganoon ko rin nakikita ang Puno ng Kuwento. Ang mga ugat nito ay nasa nakaraan, ngunit ang mga sanga nito ay patuloy na umaabot sa kasalukuyan at namumunga sa hinaharap.
Bilang isang artist na interesado sa paglalarawan ng mga alaala, folklore, kasaysayan, at kultura, nais kong dalhin sa MADE ang isang gawaing nagmumula sa personal na karanasan ngunit may mas malawak na kuwento tungkol sa pagiging Pilipino.
Sa tingin ko, MADE ang tamang tahanan para sa Puno ng Kuwento dahil ang MADE mismo ay naging bahagi na ng paglalakbay ng sining at disenyo sa Pilipinas sa loob ng maraming dekada. Hindi lamang ito lugar ng pagkilala, kundi isang espasyo kung saan nagkikita ang iba’t ibang henerasyon, ideya, pananaw, at paraan ng paggawa ng sining.
Lalo na sa panahon ngayon ng pagkaabala, mahalaga para sa akin na may mga artwork na humihikayat sa atin na huminto sandali, alalahanin ang ating mga pinagmulan, at tanungin kung anong mga kuwento ang nais nating dalhin sa hinaharap. Kung ang “Traverse” ay tungkol sa patuloy na paggalaw, nais kong maging bahagi nito ang isang kuwento na hindi nakakalimot sa pinanggalingan nito habang patuloy na sumusulong.
Metrobank MADE has been part of the Philippine art and design recognition landscape for forty-two years. In your own words, what does the program represent to you as an institution?
Richard Montero: Para sa akin, ang MADE ay hindi lamang isang programa na nagbibigay ng parangal sa mga artists. Isa itong mahalagang bahagi ng patuloy na paglalakbay ng sining sa Pilipinas, isang espasyo kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga artists na maipakita ang kanilang mga karanasan, pananaw at ideya tungkol sa ating kultura at lipunan.
Bilang isang artist, mahalaga sa akin ang MADE dahil kinikilala nito hindi lamang ang ganda ng isang likhang-sining, kundi pati ang kuwento, proseso, at konseptong nasa likod nito. Sa pamamagitan nito, nararamdaman ng isang artist na ang kanyang mga ginagawa at ipinaglalaban sa pamamagitan ng sining ay may halaga at may lugar sa mas malawak na diskurso ng sining sa bansa. Para sa akin bilang artista, ang MADE ay nagsisilbing tulay, mula sa personal na karanasan at malikhaing proseso ng isang artist tungo sa mas malawak na komunidad. Higit sa pagkilala, mahalaga rin ang pagkakataong maging bahagi ng isang mas malaking kasaysayan ng kontemporaryong sining sa Pilipinas.


This piece is now part of MADE’s history, and by extension, Philippine art’s. What do you hope it contributes to that bigger picture?
Richard Montero: Sa pamamagitan ng Puno ng Kuwento, nais kong maidagdag sa mas malaking kasaysayan ng sining sa Pilipinas ang isang pagtingin sa kahalagahan ng pinagmulan, sa mga kuwentong bumubuo sa ating pagkatao, sa mga alaala ng pamilya, at sa kulturang ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Hindi man ako ipinanganak o lumaki sa Bicol, pero malaki ang bahagi ng aking mga pinagmulan sa pagbuo ng artwork na ito. Lumaki akong napapalibutan ng mga kuwento, paniniwala, tradisyon, mga kuwentong bayan na bahagi ng ating kultura. Para sa akin, ang mga kuwentong ito ay parang mga ugat ng isang puno. Maaaring hindi natin palaging nakikita ang mga ugat, ngunit sila ang nagbibigay-buhay at direksiyon sa kung ano ang nakikita natin sa ibabaw.
Sa paggamit ko ng iba’t ibang materyales tulad ng papel, kahoy, pintura at mga panulat, nais kong bigyang-halaga ang mga bagay na maaaring madaling ituring na ordinaryo o luma, ngunit may kakayahang mag-ingat ng alaala. Para sa akin, ang mga ito ay parang maliliit na sisidlan ng kasaysayan, mga bagay na maaaring magdala ng kuwento mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan.
Nais kong maging bahagi ang Puno ng Kuwento ng mas malawak na kasaysayan ng sining sa Pilipinas bilang isang paalala na ang ating kasaysayan ay hindi lamang binubuo ng malalaki at kilalang pangyayari. Binubuo rin ito ng mga personal na alaala, kuwentong-bayan, paniniwala, tradisyon, at karanasan ng mga ordinaryong tao.
Kung may nais akong maiambag sa kasaysayan ng art, ito ay ang paniniwalang mahalagang alalahanin ang ating mga ugat habang patuloy tayong lumalago. Dahil tulad ng isang puno, mas mauunawaan natin kung sino tayo at kung saan tayo patungo kung hindi natin kakalimutan kung saan tayo nagsimula. •


Our MADE 2026 coverage is in synergy with Novice











