Human Libraries: Rey Bufi of The Storytelling Project

Rey Bufi encourages love for reading among children in far-flung communities in the Philippines with The Storytelling Project

Interview Danielle Austria
Images The Storytelling Project

Grace and Rey Bufi with son

Hey, Rey! In 2010, you founded The Storytelling Project (TSP), a nonprofit organization that seeks to foster the love of reading among Filipino children. You do month-long, immersive programs in public schools where you facilitate storytelling activities with grade-schoolers and help build libraries. Could you give our readers a preview of how it started?

Wala akong habit na pagbabasa noong bata. Masipag ako mag-aral pero kulang ako ng reading habit. At dahil hindi ako masyadong nagbabasa, yung comprehension ko, ‘di malalim. Noon, gusto ko mag-abogada kaya nag-aral ako sa San Beda. Ang aking undergrad ay double major course na Philosophy at Human Resources Development. 

Alam naman natin na ang Philosophy ay isang reading and writing course. Ang daming pinapabasa sa amin. In a week, ilang articles ‘yun na minsan inuulit ko ng limang beses para maintindihan. Tapos kailangan ko naman magsulat tungkol sa aking binasa—na minsan inaabot ng isang buong araw. 

Ang naging advice ng professor ko sa akin [para mas mapadali ang gawain]: “All you have to do is read, read, read; write, write, write; and start with what interests you.”

Nagsimula ako magbasa ng mga John Grisham [novels] kasi nga gusto ko maging lawyer. After two months, napansin ko ang pagbabago. Kung dati ay limang beses ko inuulit ang binabasa ko, naging apat na lang at naging tatlo. Kung dati ay isang buong araw ako nagsusulat, naging kalahating araw na lang. Sayang sana kung naumpisahan ko noong bata, mas naenjoy ko sana ang pamimilosopiya. In terms of speaking, organized ako pero sa writing, sabog. Tapos yung comprehension, siyempre [mababaw]. Language is familiarity, so ‘pag hindi ka sanay sa language, mahirap itong gamitin. Ayoko na maranasan ng mga batang Pilipino itong nakalakihan ko.

After graduation, ang naging training ko sa Smart [Communications] ay HR. Meron akong volunteer group doon na nagtuturo sa mga bata every summer. Kahit wala na ako sa Smart, nagvo-volunteer pa rin ako sa kanila. Pag may storytelling workshop, pinapa-attend nila ako at doon nahasa ‘yung skill ko. Doon ko rin na-meet ang aking wife [na si Grace]. 

Pero sa eight Saturdays na ‘yun, na-realize namin na tuwing natatapos, back to zero uli ang mga bata. Walang continuity. Walang habit na nabubuo. Ginusto namin na palalalimin sana ‘yung engagement. Paano natin matutulungan yung mga bata na gawin habit ang pagbabasa? Doon nagsimula ang The Storytelling Project. 

Can you give us a picture of how the month-long immersions pan out?

TSP promotes happy learning. Meron kaming three-phased program [na minsan nagsasabay-sabay] na Imagine, Create and Share. 

First, we partner with public schools sa probinsya. Tumitira kami sa mismong paraalan. Mine-meet muna namin ang parents, teachers, principal at local government para i-explain ang program dahil naniniwala kami na ang success ng nito ay nakasalalay sa maraming stakeholders. We target younger grade school students with fun activities like song and dance. Tapos nakikipag-partner kami sa colleges or universities para i-involve ang Education students with weekly storytelling sessions. 

Sa unang session, pinapipikit namin ang mga bata habang nagkukuwento kami. Pagkatapos, ido-drawing nila ang mga naalala nila—walang paghuhusga para ma-build ang confidence ng mga bata. Sa unang mga araw, nagko-kopyahan pa ‘yan pero ‘pag tumagal, nagkakanya-kanya na sila. Lumalawak ang imahinasyon at comprehension nila. Tapos nabubuo na nila ang story. Hindi kami nagtuturo ng technical aspects ng reading (pagbabaybay, sounds) dahil ang gusto namin is to foster a genuine love for reading. 

Sa mga susunod na linggo, nakadilat na sila habang nakikinig at ini-introduce na namin ang iba-ibang storytelling styles. Nagkakaroon din ng post-reading activities na related sa stories. Kunyari gamit ang Araw sa Palengke (ni May Tobias-Papa), pinagdadala namin sila ng tanim. Gumagawa kami ng mini palengke tapos binibigyan namin sila ng paper money at mamimili sila. Isang kuwento—integrated. Maaari maging springboard ng discussions ang mga kuwento. Ang Araw sa Palengke ay pwede magamit sa Science: go, grow, glow. Akala ng mga bata, naglalaro pa rin sila pero part na pala ng lesson.

Meron rin kaming parenting seminars. Naniniwala kami na sa bahay nagsisimula ang pagkatuto ng mga bata. Binubuksan natin ang isip ng mga magulang na hindi lang responsibilidad ng school ang pagtuturo. Pinaguuwi namin ng storybooks ang mga bata at ang assignment nila ay kuwentuhan ang buong pamilya. This opens possibilities for better communication at mas naiintidihan ng parents ang kalagayan ng mga bata.

After one month, tinutulungan namin ang school na mag-create at maintain ng library. Kadalasan, ang mga public school libraries ay nanghihiram lang ng espasyo. Most of the books they have are old textbooks at kung meron man na donated books, these are Western titles [na hindi relatable sa mga bata]. Hindi sustainable. 

Sa library na nabuo namin sa Masbate, meron kaming little helpers na mga grade four to six students na nangunguna sa klase. Tine-train namin sila na maging ate at kuya sa mga mas maliliit na bata, at maging part ng book club. Ngayon, ang mga bata doon talagang nanghihiram ng libro. Nitong November, nagpa-quiz bee kami tungkol sa lahat ng nabasa nila. Ang total na nahiram na doon, nasa 700 books na. Nakakatuwa. Sana in three to four years, pwede na namin bitawan ‘yung school. Hindi na nila kami kakailanganin kasi ang community na mismo ang nagle-lead ng reading activities.

Human Libraries | The Storytelling Project at kanto.com.ph
Human Libraries | The Storytelling Project at kanto.com.ph

Are there certain types of stories or themes that strongly resonate with kids?

Ang dala namin na mga kuwento ay tungkol sa mga bagay na pinagdadaanan ng mga bata—self-confidence, family, community. May kuwento ng mahiyaing manok na hindi marunong tumilaok. Ang kuwento ni Pilong Patago-tago ay tungkol sa playfulness. Ito ay mga kuwento na tumutulong sa kanila na mag-make sense sa mundo. 

Kung may gusto kang i-explain sa bata, pwede mo daanin sa kuwento para mas maintindihan niya. Lalo na pagdating sa mga kumplikadong subjects. Ang Mama’s House, Papa’s House ay tungkol sa paghihiwalay ng magulang.

Coming from that, do you think today’s kids are ready for stories with more progressive (or difficult) messages?

Minsan tayong mga adults ang nago-overreact. Gusto natin ipaliwanag agad-agad sa bata ang mga sensitibong bagay sa level ng isang adult. May biases agad tayo. Pero hindi mo pwedeng i-bombard ‘yung bata ng mga mabibigat na words at i-expect na maintindihan niya ‘yung buong konteksto, let’s say, ng LGBT. Maaaring ang maintindihan lang niya ay magkaiba kayo ng preferences pero kailangan i-respeto ang kaniyang choice; hanggang doon lang. Minsan nago-overthink tayo. Ang importante dito ay processing. Base sa reaksyon ng bata, maaari kang sumagot at ime-make sense niya iyon.

‘Wag natin maliitin ang kakayahan ng bata na umintindi. Sayang ang opportunity kung magtanong ang bata tapos hindi mo ipapaliwanag.

Aside from the kids, have you noticed your work with TSP making an impact on the teachers that you work with?

Isa rin na kailangan gawin ay mabago yung mga teachers, maging katuwang sila [sa layunin ng The Storytelling Project]. Ang nakatutuwa ngayon, dahil nakikita nila ‘yung mga bata na nagbabasa, mas ginaganahan sila [magturo]. Through TSP, nakita nila na pwedeng magbago from non-reader to independent reader ang isang bata. Ang goal ng TSP ay yung mga bata ang magdadala ng pagbabago sa mga adults sa bahay, sa mga teachers. Dahil nagbabago ang mga bata, kailangan din mag-catch up ng mga matatanda.

Give us a peek into your personal library! Top five favorite books of all time?

Mga libro ni John Grisham, kadalasan inspirational tulad ng mga sinulat ni Paulo Coelho. Outliers ni Malcom Gladwell. The Power of Habit ni Charles Duhigg kung saan nakita ko ang tungkol sa pagbuo ng habit. Grit ni Angela Duckworth, Finding Your Why ni Simon Sinek. •

This story first appeared on Kanto No. 1 2020. Edits were made to update the article.

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *