Poetry Mia Lauengco
Interview Patrick Kasingsing
Nice to meet you, Mia! Tell us, what is it about the art of poetry that you fell in love with?
The harmony of images and metaphors, and how this creates layers of meanings; how multiple messages are conveyed beyond the literal sense of the poem, and how even just a few lines can make great emotional appeal to readers.
You write your poetry mostly in Filipino. What characteristics of the Filipino language do you love and has prompted you to write in it?
Funny, because the first few poems I wrote in high school were in English. I used to think that only poems written in English are romantic, classy and elegant; while those written in Filipino are baduy or old-fashioned, and inaccessible (I know people whose perception of Filipino poetry is sobrang lalim (too profound) or ‘nosebleed’). Like most writers I know, the younger me had always wanted to know the answer to “What makes a poem a poem?” and how to tell if the pieces I’ve written are actually poems. So, I was out to figure these out when I joined the LIRA poetry clinic. It was the only workshop I knew that was available for newbies like me. Once I began writing poems in Filipino for the LIRA workshops, I knew that I wanted to pursue writing in that language. I realized that it’s easier to use my native language, and there’s a certain sincerity and seriousness in the language. It just seems so pure to me, plus there are a lot of beautiful and Filipino words waiting to be discovered. (ex. Salamisim: malungkot ngunit matamis na alaala (the remembrance of happy memories which awakens a feeling of sadness or nostalgia); kilapsaw or ripples of water)
Who are your literary idols and how do they inspire you in your writing?
Virgilio Almario would be one, because he really has a deep understanding of poetry. Rebecca Anonuevo and Benilda Santos for melancholic poetry and for their feminist themes. Jerry Gracio and Joey Baquiran for their contemporary and entertaining poems. I try to reflect their poetics and writing styles to my poems.
What are the most prevalent themes in your literary body of work?
I’m still in the stage where most of my poems are about love—from the early stages of a relationship to heartbreak poems. I’m also trying to write more performance pieces, but I’m still working on that. I also have poems about finding one’s self. I’ve also just realized that most of my poems use auditory devices.
Any tips for aspiring poets reading this?
As what my mentors would tell me, I’d say “read, read, read!” And I suggest starting with works by Filipino poets. Most workshops invite panelists who have already proven their flair for poetry, so it would be nice to personally learn from them, as well. •
SELECTED POETRY BY MIA LAUENGCO
Hulagway
1.
Sinubukan kong kalmutin ang balat sa salamin
Upang doo’y matagpuan ang sarili
Ngunit hindi doon nabuksan ang kaloob-looban;
Datapwa’t paulit-ulit pa ring ginalugad ng mga daliri
Ang rabaw ng nanlilitis,
Nangingilatis na mukhang tumititig
Hanggang bumagsak
At mabasag ang imaheng pinapasok nang pilit.
Makailang ulit mang mawasak
Ang di makilalang pagkatao,
Ilang libong
Ako ang hindi pa rin mapagtanto.
2.
Inilubog ko ang kamay sa tubig
Noong isang gabing maningning
Upang doo’y sagipin ang aninong
Maaaring akin—
Ang nakatitig nang walang mata
At nangungusap na parang bilanggo
Sa kabilang uniberso—
Subalit nahaklis lamang ang rabaw,
Kaya muli kong hinawi
Hanggang magdulot ng kilapsaw,
At hindi na maaninag ang anyong di maangkin.
Hinintay ko ang tubig na muling mamayapa,
Baka sakaling magkaganoon din
Ang damdaming kong nananatili sa ilalim.
3.
Tumitig ako sa iyong mga mata
Upang hanapin kung ako ay naroon pa ba,
At pumailanlang ang aking anyo,
Subalit agad ding naglaho sa kawalan
Sapagkat lumilihis din ang mga damdamin
Kasabay ng mga pagtingin.
Hindi na lamang akin ang iyong tingin,
At tunay ngang hindi na tayo magkaugnay
O walang ikaw sa akin.
Hindi ko na makita ang iyong kaluluwa.
Ikaw ay nilisan na.
–
Boses Sa Hatinggabi
Matagal na nahimbing ang paborito kong libro
Sa pagitan ng mga kauri nitong bago.
Nanaginip siyang nahuhulog
Ang mga titik mula sa kanyang mga pahina,
At mula rito ay nagdugo siya
Ng tinta.
Basang-basa, nalulunod sa sarili nitong likido,
Hanggang maglagas, malusaw,
At tuluyang mawala.
Malamang, narinig ko siyang sumigaw
Sa gitna ng gabi.
Tinatawag ang aking pangalan,
Kaya bumangon ako sa hindi pagkakatulog
At muli kong hinimas
Ang kanyang pabalat
Upang tanggalin ang kumot
Ng alikabok,
At saka ko muling binuklat ang mga pahina
Nang mahimasmasan ang kanyang loob.
Habang nililirip ang kanyang nilalaman,
Muli akong nagising, napadilat,
At nabihag
Ng kanyang hiwaga.
–
Pagtingin
May maririnig na kalabog sa banggaan
ng ating mga tingin,
At dadagundong ang mga paputok
Sa tuwing magdadaplisan ang
naghuhulihan nating mga titig–
Palitong sa sandaling kumiskis ay may dalang kislap
na sisindi sa mga pailaw sa langit.
Makulay,
Subalit nakabibingi ang paulit-ulit na kabog
ng ating mga dibdib na hindi lamang tayo ang nakaririnig.
Hindi tayo
ang nasisilaw sa liwanag nating higit pa sa buwan,
ang nabubulahaw sa ingay nating higit pa sa bagong taon.
Hindi lamang tayo
ang nakakikita sa sunod-sunod na
mga kislap sa ating pagitan.
Hindi atin
ang mga gabing pinatutugtog at pinagniningning.
At upang marinig ang katahimikang hiling,
Ito ang dapat gawin:
Ipikit ang mata’t itigil ang pagtingin,
Kipkipin ang ningas at hayaang magsaabo ang damdamin.
–
Kuliglig
Nang di na bumuka itong ating bibig
Dahil di mahanap ang nais sabihin
Ay mas maingay pa ang aking narinig.
Sinusuyo kita. Di ka nakikinig.
Walang pakialam sa aking damdamin.
Ayaw nang ibuka itong aking bibig.
Mga salita ko’y di mo na daigdig.
Katahimikan mo’y pag-iwas sa akin
Ay mas maingay pa ang aking narinig.
Kantahan man kita, di ka na maantig
Ng harana’t awit. Dapat bang pilitin
Na iyong ibuka ang tikom mong bibig?
Hikbi ko sa iyo, “Bakit nanlalamig?”
Ngunit nang ang tanong, tinangay ng hangin
Ay mas maingay pa ang aking narinig.
Malumay mong dibdib ay wala nang pintig
Na para sa akin. Kung ako’y alipin
Sa hindi pagbuka niyang iyong bibig,
Di na mag-iingay, di mo maririnig.
–
Jessica
Alam kong ikaw ay aking kilalang kilala
Subalit ngayon, hindi kita namumukhaan.
Tinitigan kita mula ulo hanggang paa.
Nagbabakasakaling muli kitang mahanap
Sa kailaliman ng iyong dalawang mata,
Sa loob ng iyong ilong na ngayo’y dumapa,
Sa iyong balat na nangingitim, namumula,
Sa gitna ng mga aalon-alon mong braso,
Sa higanteng dibdib na may mahahabang marka,
Sa singit ng nagkikiskisang mga hita
Ngunit wala roon ang nakagisnan kong ikaw.
Binago ka’t babaguhin pa ng batang dinadala
At sa kanyang paglabas ay makikita kita
Ngunit ngayon, kayo bilang iisa ay higit pa rin sa
anumang ganda.
Originally published in Kanto No. 2, 2016. Edits were made to update the article.
Featured image: Photographed by Ji Villamor, from Unsplash